Dalawang driver, arestado sa ilegal na droga sa QC

17

Manila, Philippines – Naaresto sa ikinasang Anti-IllegalDrugs Operation ang dalawang driver na nagpapakalat ng ilegal na droga saMega  Q-Mart sa Cubao Quezon City.
  Aminadong  mgatulak ng ilegal na droga at dati na ring sumuko sa Oplan  Tokhang ang mga suspek sina Gary  Boy Padual at  Efren Espelita.
  Ayon kay Cubao Police Station Drug  Enforcement  Team o SDET P/Senior Inspector  Ramon Aquiatan mga kargador,driver at iba pang panggabing trabahador ngpalengke ang parokyano ng dalawa.
  Ang pagkaka-aresto sa mga suspek ay kasunod ng patuloy namonitoring ng PNP sa una nang mga sumurender pero hindi pa rin tumigil sapagbebenta ng ilegal na droga.
  Kabilang sa nasamsam ng mga otoridad ang 13 sachet nghinihinalang shabu at buy bust money na ginamit sa operasyon.

Facebook Comments