Dalawang drug pusher, arestado sa Malabon City

Hindi na nakapalag pa ang dalawang tulak ng iligal na droga ng masakote sila ng mga awtoridad sa Malabon City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Rolando Fajardo ng Brgy. Catmon at Jasmin dela Cruz ng Brgy. Tañong.

Nasakote sila ng mga tauhan ng Malabon City Police Station sa ikinasang buy-bust operation.


Ito’y sa may bahagi ng Banana Road kanto ng University Avenue sa Brgy. Potrero.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang masa anim na sachet ng shabub na may bigat na 23 gramo at nagkakahalaga ng higit P150,000.00.

Nabatid na ang dalawa ay dati ng nadakip dahil sa iligal na droga pero nakalaya rin subalit bumalik sa dati nilang gawain.

Facebook Comments