Manila, Philippines – 15 na suspendido ang dalawang personnel ng Philippine News Agency dahil sa pagllabas ng maling impormayon o balita sa ka ilang website.
Ito ang kinumpirma ni News and Information Bureau Director Gigi Agtay sa media at nakiusap na wag nalang pangalanan ang dalawang empleyado na nasuspinde.
Sa statement ng PNA ay inamin nito na nagkaroon ng lapse of judgement sa kanilang panig kaugnay sa nailabas na maling balita at hindi anila ito kinukunsinti ng kanilang tanggapan.
Binigyang diin pa ng PNA na wala silang intensyon na magpakalat ng maling balita lalo pat uso ngayon ang tinatawag na fake news.
Matatandaan na kumalat sa social media ang litrato na mula sa Vietnam war na inilagay ng PNA sa kanilang istorya sa Marawi.
Isa pang insidente ang lumabas na maling balita kung saan sinasabi na marami sa mga bansa na kasapi ng UN ang sumusuporta umano sa EJK.
Tiniyak din naman ng PNA na paiigtingin pa nila ang ka ilang mga patakaran upang maipatupad ng tama ang kanilang mandato na magbahagi ng tamang impormasyon sa publiko.
DZXL558, Deo de Guzman