Dalawang eroplanong ibinigay ng Amerika, magpapalakas sa laban kontra terorismo

Manila, Philippines – Nagpasalamat ang Palasyo ng Malacañang sa Estados Unidos sa donasyon nitong dalawang Brand New Cesna 208 B Grand Caravan Aircraft sa Philippine Air Force.
Matatandaan na tinanggap ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang dalawang aircraft mula sa sa US na kinatawan naman ng kanilang Embahada na si Ambassador Sung Kim.
Ayon Kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, palalakasin pa nito ang kapabilidad ng Philippine Air Force para epektibong labanan ang terorismo at iba pang kalaban ng Estado.
Patunay lang din aniya ito na maganda parin ang military alliance ng Pilipinas at Estado Unidos ng Amerika.
Nabatid naman na ang pagbibigay ng mga nasabing eroplano ng US ay dahil sa naging ugnayan nila Dating Pangulong Noy-Noy Aquino at dating US President Barack Obama.

Facebook Comments