DALAWANG ESKWELAHAN SA STA. BARBARA, NAKATANGGAP NG BOMB THREAT

Nakatanggap ng bomb threat ang dalawang paaralan sa Sta. Barbara, bandang alas-kwatro ng hapon noong August 13.

Agad idinulog sa kapulisan ang insidente at agad nirespondehan ng awtoridad.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa Sta.Barbara Police Station, lumitaw ang bomb threat sa online post ng parehong dummy o pekeng account na ginamit sa bomb joke sa isang unibersidad sa Dagupan City.

Base dito, dalawang bomba umano ang nakatanim sa mga paaralan.

Nagtungo naman ang mga tauhan ng Sta. Barbara MPS para tingnan ang lugar at nakipag-ugnayan din sa EOD/K9 para beripikahin at pangasiwaan ang insidente.

Sa parehong araw, kinompirma ng kapulisan na negatibo ang naging inspeksyon sa mga paaralan.

Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon sa totoong pagkakakilanlan ng poser na nagpakalat ng bomb threat online. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments