Dalawang eskwelahan sa Quezon City, handang-handa na sa pilot face-to-face classes sa Lunes

Nakahanda na ang dalawang eskwelahan sa Quezon City na tinukoy ng Department of Education (DepEd) para sa pilot run ng limited face-to-face classes sa Lunes, December 6, 2021.

Kabilang ang Bagong Silangan Elementary School at Payatas B Annex Elementary School sa Brgy. Bagong Silangan at Payatas sa 28 na eskwelahan sa Metro Manila na nakapasa sa safety assessment ng DepEd at Department of Health (DOH).

Ito’y matapos inspeksyunin ng Department of Building Official, Schools Division Office, ng City Epidemiology and Surveillance Unit at ng Education Affairs Unit ang Payatas B Annex Elementary School, Bagong Silangan Elementary School at ang St. Luke Medical Center College of Medicine sa Barangay Kalusugan.


Partikular na siniyasat ng inspection team ay ang water, sanitation at hygiene o wash facilities.

Sinuri rin ang proper ventilation sa bawat classrooms at ang pagitan ng mga espasyo upang matiyak ang physical distancing.

Inisa-isa nilang ininspeksyon ang mga physical barriers, markers at signages.

Isinunod naman ininspeksyon ang isolation rooms at ang on-standby ambulance.

Ayon sa Schools Division Office, ang mga estudyante at mga guro ay hahatiin sa dalawang grupo, ang mga klase ay kumbinasyon ng face-to-face classes at distance learning na naka-schedule kada-linggo.

Facebook Comments