Pinagpapaliwanag ng Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan ang dalawang establisyemento sa lalawigan kasabay ng pagbibigay sa mga ito ng Memorandum matapos makitaan ng paglabag sa Fair Trade Law.
Ayon kay DTI Pangasinan Director Natalia Dalaten, na ipinadala ang memo sa isang construction materials company kung saan natuklasan ng DTI Personnel na nagsasagawa ng monitoring na ang ibang bentang construction materials ay hindi tama ang timbang o kaya ay hindi tama ang mga sukat.
Ang isang establisyemento naman na nagbebenta ng prime commodities at natuklasang nagpapairal ng overpricing sa kanyang paninda kahit pa sa kabila ng ipinapatupad na price freeze ngayong nararanasan ang pandemya.
Dagdag ni Dalaten na hihintayin nila ang paliwanag ng mga ito. Kung hindi naman ito sumagot o kaya ay hindi sapat ang kanilang magiging paliwanag ay maaari silang patawan ng mas mabigat na sanctions o parusa sa kanilang naging paglabag sa batas.