Dalawang Estudyante, Huli sa Pagtutulak ng Marijuana!

425

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang dalawang studyante matapos maaktuhang nagbebenta ng Marijuana sa Brgy. Magsaysay, Naguilian, Isabela.

Nakilala ang mga studyanteng tulak na sina Jade Vernon Holgado Gallardo, disi nuebe anyos, binata, at residente ng Brgy. Research 1, Cauayan City, Isabela at Evixon Shyron Agsunod Paynor, pawang mga college student at residente naman ng Marabulig Uno, Cauayan City, Isabela.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, nadakip ang dalawang suspek matapos matiklo sa isinagawang Drug Buy Bust Operation ng PNP Naguilian kasama ang PDEA SET Northern Isabela.


Binentahan umano ng mga suspek ng Marijuana ang isang pulis na nagpanggap na bumili na ibinalot sa isang plastic at nakuha mula sa mga suspek ang isang libong pisong buy bust money.

Hawak na ng PNP Naguilian ang dalawang suspek na mahaharap sa kanilang kasonmg paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments