Dalawang Estudyante ng Saint Louis University, Timbog sa Pagnanakaw ng Motorsiklo sa Cagayan

71

*Cauayan City, Isabela*- Timbog ang dalawang estudyante sa aktong pagtangay ng nakaw na tricycle sa Tuguegarao City, Cagayan.
Kinilala ang mga suspek na sina Terence Jim Tamargo, residente sa Ballesteros at Justin Bernard Deza ng Marcela, Apayao at kapwa 18-anyos at estudyante ng St. Loius University na nakabase sa Lungsod ng Tuguegarao.
Ayon sa imbestigasyon ni PSSg. Darwin Ponce, Imbestigador ng PNP Tuguegaro, napansin ng dalawang pulis ang dalawang kahina-hinalang suspek na itinutulak ang tricyle sa may bahagi ng Mabini St. hanggang Lecaros St.

Dagdag pa ni PSSg. Ponce, walang naipakitang dokumento ng motorsiklo ang mga suspek kung saan nasira ang ilang wirings nito na dahilan upang hindi umandar.


Sa dagdag na imbestigasyon, natukoy ang nagmamay-ari na si Efren Bosi, 48 anyos ng Bayo, Iguig ang tricyle na ipinahiram niya sa kanyang kaibigan sa Arellano Extension, Barangay Ugac Sur noong Linggo (January 19).

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 6539 o Anti-Carnapping Law.
Photo Credit: Boracay Informer

Facebook Comments