Dalawang executive officials ng Pharmally, nai-turnover na sa Pasay City Jail

143

Nai-turnover na sa Pasay City Jail mula Senado ang dalawang executive officials ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina Mohit Dargani at Linconn Ong.

Ito ay matapos ipag-utos ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ilipat ng kulungan sina Dargani at Ong.

Ang arrest order laban sa Pharmally officials ay kasunod ng pagtanggi nitong ibigay ang financial documents na kailangan sa imbestigasyon ng Senado kaugnay ng sinasabing overpriced na face mask at face shield.


Habang ang kapatid na babae nito na si Twinkle Dargani ay nanatiling naka-detain sa Senado dahil sa sinasabing problema sa mental health.

Facebook Comments