Ang dalawang FCAs na benepisyaryo ay ang Wesley Savings Multi-purpose Cooperative at Liga ng mga Barangay ng Isabela Multi-purpose Cooperative kung saan pinasinayaan na ang konstruksyon ng kanilang bio-secured facilities sa barangay Garit Norte at Libertad, Echague, Isabela.
Ayon kay DA Region 2 Regional Director Narciso Edillo, malaking tulong ito para sa mga naapektuhang hog raisers at muling pagbangon ng industriya ng pagbababoy sa rehiyon dos mula sa epekto ng African Swine Fever (ASF).
Ang nasabing grant ay bahagi ng programa ng gobyerno na Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) para sa repopulation ng mga baboy sa bansa upang mabawasan ang epekto ng ASF.
Bukod dito, nakipagpulong rin ang Kagawaran ng Pagsasaka sa mga opisyal at miyembro ng walong FCAs na kwalipikado para sa P5.5 milyon na grant para sa swine repopulation sa Lambak ng Cagayan.
Ang walong kwalipikadong samahan ng mga magsasaka sa rehiyon ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Bayaning Magsasaka Damayan Villaverde Association, Mabitbitnong SWISA, Liga ng mga Barangay ng Isabela MPC, Claveria Poultry Raisers Association, Northern Luzon Multi-purpose Cooperative, Progreso farmers Association, Wesley Savings and Multipurpose Cooperative, at Northern Tumauini Cereal and Dairy Farmers Coop.