Dalawang Filipino doctors, kabilang sa mga unang nakatawid palabas ng Gaza

Nakatawid na palabas ng Gaza Strip ang dalawa sa Pilipinong doktor na nagtatrabaho sa ilalim ng grupong “Doctors Without Borders” matapos maipit sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Ayon kay Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega, ang Filipino doctors na sina Dr. Darwin dela Cruz at Dr. Regidor Esguerra ay kabilang sa mga unang tumawid sa Rafah Border sa pagitan ng Gaza Strip at Egypt.

Aniya, ang dalawang doktor ay pansamantala munang mananatili sa Arish, ang bayan na pinakamalapit sa border bago sila tumawid sa Cairo.


Paglilinaw naman ng opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang dalawang doktor ay hindi uuwi ng Pilipinas kundi ide-deploy sa ibang lugar.

Sinabi naman ni Vice Consul Teri Bautista ng Embahada ng Pilipinas sa Israel, hindi pa kasama sa inisyal na listahan ang mga Pilipino na tatawid sa Rafah papuntang Egypt.

Dagdag pa ng DFA, na-contact na nila ang 134 na mga Pinoy na trapped doon sa Gaza at sa bilang na ito, 115 na ang nagpahayag na gusto nilang ma-repatriate sa Pilipinas.

Facebook Comments