Dalawang fishing vessels na sakay ang 31 crew, hinuli dahil sa illegal fishing sa Bohol

Nasa kustodiya na ngayon ng mga tauhan ng Philippine Navy at Bohol Maritime Patrol ang 31 crew ng dalawang bangkang pangisda na kanilang nahuli dahil sa ilegal na pangingisda sa North West ng Balicasag Island, Panglao, Bohol kamakailan.

Ayon kay Lieutenant JG Frances Maye Macapinig, nagsagawa ng joint operation ang mga tauhan ng Philippine Navy Patrol Craft 396, Naval Detachment Balicasag at Bohol Maritime Patrol Station kaya nahuli ang dalawang fishing vessels sa area.

Ang dalawang fishing vessels ay ang Sr. Sto. Niño 5 – MNA at Sr. Sto. Niño na ang mga sakay ay nahaharap na ngayon sa paglabag sa Republic Act 10654 Section 86 o (Unauthorized Fishing), Section 95 (Use of Active Gear in Municipal Waters, Bays and Other Fishery Management Areas) at iba pang paglabag na may kinalaman sa illegal fishing.


Tiniyak naman ng pamunuan ng Naval Forces Central na magpapatuloy ang kanilang pagtupad sa kanilang trabaho na pagprotekta sa maritime environment sa Visayas Region.

Facebook Comments