Dalawang Flight Patungong Legazpi Albay, Kanselado Dahil Sa Patuloy Na Pag-Ulan

1

LEGAZPI, ALBAY – Dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan, kinansela na ang dalawang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport patungong Legazpi Albay.Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) kanselado ang flights 5J 321 at 322 Manila-Legazpi-Manila ng Cebu Pacific.Inabisuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund.

Facebook Comments