Cauayan, Philippines – Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng PNP Cauayan at 3rd Manuever platoon ng Isabela Public Safety Company ang dalawang forward truck na naglalaman ng nilagareng kahoy sa Barangay Union at San Luis, Cauayan city kaninang madaling araw.
Nakilala ang driver ng mga sasakyan na sina Rovin Jake Baruelo, 27 anyos, residente ng Marabulig Uno; at Robert Pabro 49 anyos, residente ng Barangay Rogus sa nabanggit na siyudad.
Ayon sa ulat, nakatanggap ang mga otoridad ng tawag mula sa ilang concern citizen na may ibibiyaheng kahoy mula Barangay Rogus via Naguillian Road patungong poblacion ng Cauayan city.
Agad na nagsagawa ng check point ang mga otoridad at naharang ang nasabing mga forward truck na ang isa ay kulay green at may plakang UPU 187.
Kasama ring naaresto sina Marco Narvasa, 20 anyos; Jordan Bangayan, 18 anyos, pawang residente ng Barangay Dicamay, San Mariano, Isabela; at isang nagngangalang Nardo Barroga, 43 anyos, ng barangay Tappa, San Mariano.
Patuloy pa ring inaalam kung magkano ang halaga at bilang ng mga nasabat na kahoy at kung sino ang nagmamay-ari nito.
Nation”