Dalawang fuel tanker, huli sa “paihi” o oil smuggling scheme sa Navotas Fish Port

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang fuel tanker dahil sa pagkakasangkot sa “paihi” o oil smuggling scheme.

Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, nadiskubre ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Services-Manila International Container Port na nagsasagawa ng paihi ang MT Tritrust at MT Mega Ensoleilee sa Navotas Fish Port.

Ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagkakakumpiska sa 370,000 litro ng unmarked fuel na nagkakahalaga ng hiit P20 milyon.


Wala ring tamang fuel markings ang mga ito na ibig sabihin ay hindi pagbabayad ng mga kinakailangang buwis at tungkulin nito.

Sinabi naman ni Customs Intelligence and Investigation Services Director Verne Enciso na isinagawa ang operasyon matapos silang makatanggap ng impormasyon na ang MT Tritrust at MT Mega Ensoleilee na may kargang 330,000 litro at 40,000 litro ng langis na iligal na ibabagsak sa nabanggit na fish port.

Facebook Comments