Dalawang gates ng Magat Dam, nakabukas bilang paghahanda sa ulang ibubuhos ng Bagyong Gener

Kasalukuyang nakabukas ngayon ang dalawang gates ng Magat Dam.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA Hydrologist Rosalie Pagulayan, dahil pa rin ito sa mga inaasahang ulan na ibubuhos ng Bagyong Gener.

Kaya kahit wala pa sa normal high-water level, dapat nang magpakawala ng tubig.


Tatlong metro ang gate opening at nagpapakawala ang Magat Dam ng 840.06 cubic meter per second.

Ang mga lugar na maaaring maapektuhan ang ilang munisipalidad sa Isabela partikular sa Ramon, San mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguillian at Gamu gayundin sa bayan ng Alsonso Lista sa Ifugao.

Facebook Comments