Dalawang ghost project sa Bulacan, isiniwalat ni dating DPWH Secretary Bonoan

Kinumpirma ni dating Department of Publlic Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na mayroong dalawang ghost flood control projects sa Bulacan.

Tugon ito ni Bonoan sa pagtatanong sa kanya ni House Deputy Speaker Janette Garin na isinagawang pagdinig ngayon ng House Infrastructure Committee ukol sa maanumalya at palpak na mga flood control projetcs.

Sabi ni Bonoan ang nabanggit ghost project ay natukoy ng validation team na kanyang ipinadala mula sa DPWH alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay Bonoan, ang nasabing dalawang ghost flood control project ay magkahiwalay na pinondohan sa ilalim ng 2024 national budget at 2025 national budget.

Sa ambush interview naman sa Kamara ay binigyang diin ni Bonoan na kaya nyang isigaw na hindi siya sangkot sa anumalya sa flood control projects.

Sa tanong kung may maituturo ba syang sangkot ay sumagot si Bonoan na wala dahil hindi na siya kalihim ng DPWH.

Facebook Comments