Dalawang grupo ng mga doktor, nagpahayag ng suporta sa gagawing bakunahan sa mga batang edad 5-11

Suportado ng Philippine Pediatric Society (PPS) at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP) ang bakunahan para sa mga kabataang edad 5 hanggang 11.

Ayon sa kanila, nakakaapekto ang COVID-19 sa mga bata at maaari itong magdulot ng banta sa kanilang buhay kung kaya’t mahalaga ang bakuna sa mga bata.

Isa anila sa consequence na dulot ng COVID-19 ang Multisystem Inflammatory Syndrome in children na isang kondisyon kung saan namamaga ang ilang bahagi ng katawan kabilang na ang puso, baga, atay, utak, balat, mata at gastrointestinal organs.


Sinabi pa ng grupo na mayroon na ring mga ganitong nangyari sa pediatric patients at nauwi sa pagkamatay pa ng ilang pasyente.

Pero dahil anila sa pagbabakuna ay mababawasan ang ganitong banta sa mga kabataan sa naturang age group.

Facebook Comments