Dalawang grupo ng Milf nagkabakbakan sa Datu Saudi Mguindanao

Muling sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo na parehong kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa bayan ng Datu Saudi Maguindanao. Ito ang sinabi ni 6th ID Spokesman at DPAO Chief Capt. Arvin Encinas. Ang dalawang nagkagiriang grupo ay sa pagitan ng 105th base command na pinamumunuan ni Kumander Haron at 118th base command na pinamumunuan ng isang Kumander Adam na pawang kasapi ng Milf. Nagsimula ang labanan kamakalwa sa Barangay Madia at ngayon ay kumalat pa sa Barangay Dapiawan, barangay Elian at Gawang. Dahil sa labanan ay umaabot nasa 900 katao ang lumikas . Ang matagal na umanong namuong rido o alitan ng dalawang grupo ang naging ugat ng labanan. Sa labanan ay hindi umano kasali ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter(BIFF) ayon sa kanilang tagapagsalita na ai Abu Misry Mama.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments