Dalawang guro, sugatan matapos mag-away sa Bacolod City

Bacolod City – Sugatan ang dalawang pampublikong guro matapos na mag-away sa Puentebella Subdivision, Barangay Taculing, Bacolod City.

Nakilala ang mga guro na sina Jose Ernie Buelos at Emelyn Mercorio na nagtuturo sa Paglaum Village National High School sa Barangay Mansilingan.

Hindi pa mabatid kung anong pinagmulan ng away ng dalawang guro kung saan kapwa sila nagpa-blotter sa police station.


Iginiit naman ni Emelyn na may masamang balak sa kaniya si Jose Ernie dahil ilang araw na itong sinusundan na hindi naman residente ng nasabing subdivision.

Facebook Comments