Dalawang gwardiya ng niloobang Metrobank sa Tuguegarao City, Nakalaya na matapos masampahan ng Kaso!

106

*CAGAYAN*- Nakalabas na sa kulungan ang dalawang gwardiya na nasampahan ng kasong Robbery na umano’y sangkot sa naganap na panloloob ng mga limang armadong kalalakihan na nagpakilala bilang mga pulis sa main branch ng Metrobank sa Tuguegarao City nitong nakaraang buwan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni PNP Cagayan Provincial Director PSSUPT Warren Tolito na nakapagpiyansa na ng tig isangdaan at dalawampung libong piso ang dalawang gwardiya ng Metrobank na sina Angelo Liban at Ace Mark Gunnacao.


Kaugnay nito ay mayroong binuong Special Task Force ang PNP Tuguegarao City upang katuwang sa pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa naturang panloloob.

Nilinaw naman ni PD Tolito na may kombinasyon ng kulay grey at silver ang van na sinakyang ginamit ng mga suspek matapos nilang mapanood ng mabuti ang CCTV Footage na kuha ng bangko.

Sa ngayon ay wala pa umanong pagkakakilanlan ang mga nanloob sa bangko subalit patuloy pa rin umano ang kanilang puspusang follow-up operation upang matukoy at mahuli ang mga suspek.

Facebook Comments
From Advertisers