Dalawang heavy equipments sinunog ng pinaghihinalaang NPA sa Brgy. Rizal, Surigao City

233

Dalawang heavy equipments sinunog ng pinaghihinalaang NPA sa Sitio Bioborjan, Brgy. Rizal, Surigao City. Ang mga sinunog ay kinabibilangan ng fork lift at backhoe. Sa sumbong ng mga kawani ng Mamsar Industrial Corp. diumano’y 10 armadong lalaki ang pumasok sa kanilang compound at sinabing mga ekipo lamang ang kanilang kailangan. Tinutukan ng baril ang mga security guards sabay na kinumpiska ang mga baril. Gamit ang gasolina, binuhusan ang mga heavy equipments at sinunog. Binaril rin ang backhoe at nilagyan ng pampasabog, mabuti na lamang at hindi pumutok. Tinukoy pa ng mga nakasaksi, sa labas ng compound marami pang armadong lalaki ang nagsilbing blocking force. Iilang minuto lamang isinagawa ang panunog at umalis kaagad ang mga suspek papunta sa bukiring bahagi ng Brgy. Rizal. Nagkaputukan pa ang NPA at mga otoridad nang hinabol ang papaalis ng mga suspek.

Sent from my iPhone


Facebook Comments