Arestado ang dalawang itinuturing na High Value Individual (HVI) sa operasyon laban sa ilegal na droga na isinagawa ng pulisya sa Bani, Pangasinan.
Kinilala ang mga suspek na isang 27-anyos na lalaki na residente ng Mangaldan, at isang 18-anyos na lalaki mula Dagupan City.
Nasamsam sa mga ito ang humigit-kumulang 120 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱816,000, bukod pa sa iba pang ebidensyang narekober ng mga awtoridad.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bani Municipal Police Station ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









