Dalawang hinihinalaang pusher, arestado sa Pasig City

23

Mahigit na ₱200,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska mula sa dalawang hinihinalaang tulak sa ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Pasig City Station Drug Enforcement Unit sa Summerville Nagpayon 2 Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Kinilala ni Pasig Police Chief P/Col. Moises Villaceran Jr. ang mga suspek na sina Jeffrey Suguion, 41 anyos at Anthony Briones, 39 anyos.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang Colt Caliber .45, apat na plastic sachets na may lamang pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 35 gramo na nagkakahalaga ng ₱238,000, coin pouch at ₱500 buy-bust money.

Nakapiit na sa Pasig City Police Station Custodial Facility, ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments