Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Marikina City Police Station Drug Enforcement Unit ang dalawang hinihinalaang drug pusher matapos na maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Mais St., Brgy. Tumana, Marikina City.
Kinilala ang mga suspek na sina Jardine Bardos Caber, 22-anyos kabilang sa unified watch list; at Gilber Mar Mamalias Gempesaw, 51-anyos, isang construction worker.
Nakumpiskahan ang mga suspek ng tinatayang 20 gramo ng hinihinalag shabu na nagkakahalaga ng P136,000, isang unit cellphone, P650 cash money at P500 na ginamit bilang buy-bust money.
Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.
Facebook Comments