Dalawang hinihinalang drug pusher, patay matapos manlaban sa mga pulis sa QC

92

Manila, Philippines – Patay ang dalawang hinihinalaangdrug pusher matapos manlaban sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridadsa Quezon City.
Kinilala ang mganapatay  na sina Alexander Matibag atRonald Martinez, habang nakatakas ang isa nilang kasamahan na nakilala lamangsa alyas Nante, matapos manlaban sa ikinasang buy bust operation ng mgaawtoridad sa Sitio San Roque, Brgy Pag Asa QC.
Ayon kay QCPD Station 2 Commander Sr/Supt. IgmedeoBernaldez, nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kayatagad na bumunot ng baril ang mga ito at nakipagpalitan ng putok sa mgaawtoridad na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga operatiba ng Station 2ng QCPD ang nakatakas na si Nante.
Narekober sa mga nasawing suspek ang 2 kalibre 45 baril,isang sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias.

Facebook Comments