Dalawang hinihinalang tulak sa iligal na droga, arestado sa Marikina City

Bumagsak sa kamay ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Marikina Philippine National Police (PNP) ang dalawang hinihinalang drug pusher matapos makuhaan mahigit P190,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Kabayani Road, Barangay Sto. NiƱo, Marikina City.

Kinilala ni Marikina Chief of Police P/Col. Restituto Arcangel ang mga suspek na sina Tito Bustillo, 49-anyos, residente ng Block 80 Lot 44 Phase 5, Guyena St., Upper Bicutan, Taguig City at Arnel Hernandez, 40-anyos, residente ng Purok 3, Buntong Palay St., Brgy. San Mateo, Rizal.

Ayon kay Arcangel, nagpanggap ang isa niyang tauhan na bibili ng shabu sa mga suspek at nang iaabot na ang P500.00 na mark money ay agad na dinampot ang dalawa.


Nasamsam mula sa mga suspek ang 28 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa P90,000, buy-bust money na P500.00 at lagayan ng barya na kulay itim.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa sa dalawang suspek.

Facebook Comments