Manila, Philippines – Nakatakdang tumestigo sa reklamong katiwalian laban sa kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang dalawang Supreme Court Justices.
Sa isang forum sa Quezon City, sinabi ni Atty. Lary Gadon na mabigat ang ebidensya na ilalahad ng dalawang Justices at tiwala siya na madidiin nang husto dito si Sereno.
Hindi naman pinangalanan ni Gadon kung sinong Justices ang kaniyang tinutukoy pero, sesentro ang kanilang testimonyo sa mga maling pamamalakad ng SC Chief.
Iginiit pa ng abugado namalabong malusutan ni Sereno ang kasong impeachment dahil nakabase ito sa personal knowledge ng mga testigo at batay sa public documents.
Umaasa si Gidonna madadagdagan pa ang mga mambabatas na magpapahayag ng suporta sa kanyang impeachment complaint.
Nasa 42 aniya ang bilang ng orihinal na supporters sa impeachment case.
Pero dahil late ng nai-file kahapon, nasa 25 endorsement lamang ang nag-suporta kahapon.