Dalawang illegal recruiter, arestado sa Maynila

Manila, Philippines – Kalaboso ang dalawang illegal na recruiter sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation anti-human trafficking division sa Muntinlupa City.

Kinilala ang mga suspek na sina Corazon Villanueva at Lenie Limos.

Ayon sa biktimang si Ana, noong mayo siya ni-recruit ng mga suspek at nakapagbayad na rin ng P17,000 para i-proseso ang kaniyang mga papeles patungong Japan.


Aniya, pinangakuan siya at ng ibang aplikante ng mga suspek ng P50,000.

Nagtaka naman aniya sila ng hindi sila binigyan ng training ng mga suspek at nang hingi muli ng dagdag na P2,500 bilang pansuhol.

Depensa naman ng mga suspek na si limos, biktima lang rin sila at aplikante lang din sila papuntang kapan.

Payo ng NBI sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa, alamin muna kung rehistrado ang recruitment agency sa POEA at huwag ding ipadala ang bayad sa mga remittance center.

Facebook Comments