Dalawang illegal recruiters, arestado sa entrapment operation ng CIDG-Anti Transnational Crime Unit

164

Manila, Philippines – Arestado sa entrapment operation ngmga tauhan ng CIDG-Anti Transnational Crime Unit ang dalawang illegalrecruiters sa Vito Cruz, Maynila.
  Kinilala ang mga suspek na sina Luz Barroga at GloriaSanchez na kapwa taga-Pangasinan.
  Kwento ng walong biktima, napag-alaman nila na hindi palaaccredited ng Philippine Overseas Employment administration ang mga suspek.
  Pero bago nabuking ang modus, nakapagbigay na umano silang tig-50 libong piso na gagamitin sa pagpo-proseso ng kanilang dokumentopapuntang Japan kung saan sila magtrabaho bilang mga dairy farm worker.
  Kinasuhan na ng “large scale illegal recruitment” at“large scale estafa” ang mga suspek.
 
 
 

Facebook Comments