Dalawang impeachment complaint laban kay Vice President Robredo, nakahanda na

42
Manila, Philippines – Ipinadala sa tanggapan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang kopya ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.
 
Ang kopya ng impeachment complain ay may pirma nina Atty. Oliver Lozano at Melchor Chavez.
 
Hindi pa pormal na maihain nina Lozano ang complaint dahil wala pa itong endorsement mula sa sinumang incumbent Congressman.
 
Kaya minabuting dalhin muna ito sa Office of the Speaker sa pag-asang i-endorso ito ni Alvarez.
 
Sa reklamo nina Lozano at Chavez, ang mga ground laban kay Robredo ay culpable violation of the constitution at betrayal of public trust dahil sa ipinadala nitong video sa United Nations laban sa war on drugs ng pamahalaan.
 
Nakasaad rin sa complaint, na siniraan ni Robredo ang Pilipinas sa buong mundo at disservice ito sa sambayanang Pilipino.

Facebook Comments