Dalawang independent contractor na isinasangkot sa umano’y pangmomolestya sa aktor na si Sandro Muhlach, no show sa NBI

PHOTO: sandromuhlach/Instagram

Hindi humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang GMA independent contractors na sina Richard Cruz at Jojo Nones na isinasangkot sa umano’y pang-momolestya sa aktor na si Sandro Muhlach.

Sa halip, ang kanilang abogado na si Atty. Maggie Garduque ang nagsumite ng joint counter affidavit at itinanggi ang mga alegasyon na nagkaroon ng sekswal na pang-aabuso.

Sa ngayon ay titimbangin na ng NBI ang mga naging pahayag at ebidensya ng magkabilang panig at aalamin kung magkakaroon ng kaso.


Samantala, kinumpirma naman ni Atty. Garduque na lubha nang naapektuhan ang mental at physical health nina Nones at Cruz.

Epekto aniya ito ng labis na panghuhusga sa social media.

Nauna rito, sumagot na sa media si Niño Muhlach, ang ama ni Sandro.

Sinabi ng nakatatandang Muhlach na nakararanas na rin ngayon ng depresyon ang kaniyang anak at dumaraan ito sa psychological evaluation.

Hindi naman aniya minamadali ng kaniyang pinagtatrabahuhang network na makabalik sa trabaho si Sandro.

Kung hindi na aniya ipagpapatuloy ni Sandro ang pag-aartista, mayroon naman silang negosyo na pinatatakbo na rin ng kaniyang anak.

Facebook Comments