Dalawang indibidwal, arestado sa buy-bust operation sa Makati

34

Nahuli ng mga tauhan ng Makati City Police Station ang dalawang indibidwal matapos ang kanilang ikinasang buy bust operation sa Infanta Street, Barangay Olympia, Makati City.

Kinilala ang mga ito na sina Noel Tecson alyas Amang, 64-anyos, residente ng nasabing barangay at Gloria Reyes, 56-anyos, residente ng Alitagtag, Batangas.


Sa ulat ng Southern Police District (SPD), matapos makumpirmang may illegal drug transaction sa lugar ay agad nilang ikinasa ang buy-bust operation kung saan nagpanggap na buyer ang isang pulis dahilan para mahuli sa akto ng pagbebenta ang mga suspek.

Nakuha sa kanila ang limang transparent sachet na may lamang shabu na aabot sa 10 gramo at may estimated value na P74,120 at 500 pisong buy-bust money.

Sa ngayon, nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002.

Facebook Comments