DALAWANG INDIBIDWAL, ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA WARRANT OF ARREST SA PANGASINAN

Arestado ng awtoridad ang dalawang indibidwal sa Pangasinan nitong January 12, 2025 kung saan na nahaharap sa magkaibang kaso.

Unang inaresto ang isang 33 anyos na lalaki at residente ng Calasiao, Pangasinan sa bisa ng isang warrant of arrest para sa kasong Frustrated Homicide na may inirerekomendang piyansa na nagkakahalaga ng nasa 72,000 pesos.

Nasa ilalim na ngayon ng kustodiya ng Calasiao Municipal Police Station ang nasabing akusado.

Arestado rin ang isang 31 anyos na lalaki at residente ng Sual, Pangasinan sa bisa rin ng isang warrant of arrest kung saan nahaharap naman sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Nasa ilalim na ng kustodiya ng Sual Municipal Police Station ang akusado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments