Dalawang indibidwal na hinihinalang nagluluto ng party-drugs sa QC, arestado ng NBI

Arestado ang dalawang indibidwal na hinihinalang nagluluto ng party-drugs sa isang bahay sa Brgy. Teachers Village sa Quezon City.

Kinilala ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga naaresto na sina Ramon Luarca, isang retired member ng US Air Force at ang kaniyang assistant na si Wilson Apalitoc.

Ikinasa ang operasyon matapos isumbong ng mga residente ang laging pagpa-party ng mga suspek at may kakaibang amoy na nagmumula sa kanilang bahay.


Sa bisa ng search warrant ay sinalakay ng NBI ang bahay ng mga suspek kung saan nakumpiska ang ₱65 milyong halaga ng iba’t ibang party-drugs gaya ng ecstasy, shabu, cocaine, kush at marijuana.

Nasamsam din ang mga baril at mga laboratory equipment.

Hawak na rin ang cellphone ng mga suspek na gagamitin para malaman ang lawak ng kanilang operasyon.

Facebook Comments