
Dalawang indibidwal ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa Bayambang, Pangasinan, inaresto ng Bayambang Municipal Police Station ang 37 anyos na babae sa bisa ng Warrant of Arrest para sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175) na may inirekomendang piyansang ₱72,000. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bayambang MPS ang suspek para sa kaukulang legal na proseso.
Samantala, sa San Carlos City, Pangasinan, inaresto ng San Carlos City Police Station ang isang 32 anyos na lalaking nagtatrabaho bilang chicken dresser, na nahaharap sa kasong Homicide (RPC Art. 249). Ang inirekomendang piyansa para sa suspek ay ₱72,000, at kasalukuyang nasa kustodiya ng San Carlos City PS.
Ayon sa pulisya, ang mga pag-aresto ay bahagi ng kanilang kampanya laban sa mga may nakabinbing warrant of arrest sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










