DALAWANG INDIBIDWAL, NAHULI NG CAGAYANO COPS

CAUAYAN CITY – Naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng Cagayano Cops ang dalawang indibidwal na nahaharap sa magkaibang kaso.

Una dito ay ang suspek na si alyas “Marlon”, 63-anyos, may asawa, isang magsasaka, at residente ng Lal-lo Cagayan.

Naaresto ito dahil sa kasong Falsification of Private Document by Private Individual kung saan P36,000 ang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Habang nahuli rin ng awtoridad si alyas “Peping”, 23-anyos, helper, at nakatira sa Gonzaga, Cagayan dahil sa kasong Qualified Trespass to Dwelling na may inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan na nagkakahalaga rin ng P36,000.

Hiningi naman ni Police Colonel Julio Gorospe Jr. ang kooperasyon at suporta ng mamamayan sa pagpapaigting ng kanilang manhunt operation para sa kapayapaan at kaligtasan ng kanilang probinsya.

Facebook Comments