Baguio, Philippines – Nahuli kahapon sa entrapment operation ng mga otoridad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang suspect na kinilalang sina Richard Allen Badua del Rio, 26 anyos at John Lawrence Fernandez Cercado, 22 anyos sa pamemeke ng mga Professional Driver’s Licence sa San Vicente, Camp 8, Baguio City, kasunod sa pag-aresto ng hinihinalang lider ng mga ito na si Vilmor Garcia Wakit, 25 anyos noong Miyerkules, Hulyo 22.
Sa pamamagitan ng isang tip patungkol sa isang grupong binabago ang klasipikasyon ng driver’s licence mula non-professional at gagawing propesyonal, inaksyunan kaagad ito ng mga otoridad kung saan ayon sa beripikasyon ng Land Transportation Office (LTO) system, hindi rehistrado ang lahat ng nakuhang lisensya sa kanila at nagpapatunay na peke nga ang mga ito.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9285 o ang Anti-Red Tape Act of 2007 at paglabag sa rticle 171 at 172 ng Revise Penal Code o falsification of public documents ang mga suspect.
Samantala, hinihikayat naman ng LTO na makipag-uganayan sa kanila patungkol sa pagsasa-ayos ng lisensya at hindi kung kani-kanino at hindi mabiktima ng mga sindikato.