DALAWANG INDIBIDWAL SA CAUAYAN CITY, ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA OPERASYON

Nasakote ang isang indibidwal mula sa Minante uno, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong pagnanakaw.

Kinilala ang nasabing suspek na si Rose Dolly Asis Asuncion, apatnapung taong gulang, may asawa, walang trabaho, at residente sa nabanggit na lugar.

Inaresto ang suspek bandang 1:15 ng hapon nitong Huwebes, sa bisa ng Warrant Of Arrest na inilabas ni Presiding Judge Mary Jane Socan Soriano ng MTCC Cauayan City para sa kaso nitong tatlong beses na pagnanakaw o theft.

Ang matagumpay na pagkakadakip sa naturang suspek ay sa pamamagitan ng ikinasang Manhunt Operation ng kasapi ng PNP Cauayan sa pangunguna ni Police Lieutenant Arvin Asuncion katuwang ang Isabela PFU-CIDG RFU2, RIU, at PIU-IPPO.

Ang naarestong suspek ay una munang idinala sa Cauayan District Hospital para sa medikal na pagsusuri.

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP Cauayan ang akusado para sa dokumentasyon at kalaunan’y ituturn over sa court of origin.

Samantala, isang wanted person mula sa purok tres Cabaruan, Cauayan City ang naaresto rin sa kaparehong araw dahil naman sa kasong estafa.

Kinilala ang naaresto na si Benito Pua Jr. Limamput anim na taong gulang, negosyante, may asawa, at residente sa nabanggit na lugar.

Naaresto rin ang nasabing suspek sa bisa ng Warrant Of Arrest na inisyu ni Presiding Judge Reymundo Aumentado ng RTC BRANCH 20 ng second judicial region na may petsang January 5, 2015 para sa kasong Estafa.

Kaugnay nito, nagkakahalaga naman ng nasa P60,000 ang inirerekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Nasa kustodiya na rin ngayon ng PNP Cauayan ang naturang suspek para sa dokumentasyon at wasting disposisyon bago ito ibalik sa korteng pinagmulan o court of origin.

Facebook Comments