Dalawang indibidwal sa Pasig, nahuling na nanamantala sa vaccination drive ayon kay Mayor Sotto

Nagbanta si Pasig Mayor Vico Sotto sa mga indibidwal na nanamantala sa kanilang vaccination drive laban sa COVID-19.

Sa ginawang Facebook live nito, sinabi ni Sotto na mayroon silang nahuling dalawang nagpapasingit ng vaccination slot na may kapalit na pera.

Aniya, hindi niya ito papalagpasin at kakasuhan ang dalawang nahuli.


Naniniwala ang ang alkalde na hindi lang dalawa ang mag ganitong modus at marami pa sila.

Pero pagbabanta niya na ‘wag lang silang magpapahuli.

Nakiusap naman ang alkade sa publiko na huwag tangkiliking ang ganitong modus at isumbong sa kanilang tanggapan kung mayroon ay lumapit sa kanila na nagbebenta ng vaccination slot.

Kasabay nito, nanawagan din ang alkade na huwag pumunta sa vaccination sites ng lungsod kung wala naman silang natanggap na confirmatory text message kaugnay sa kanilang schedule ng pagbakuna.

Facebook Comments