Dalawang indibiwal sa Sto. Domingo, Ilocos Sur, nakuryente; isa ang patay

Isa ang patay habang nasa mabuting kalagayan na ang isa pa matapos makuryente habang nagpapahinga ang dalawang indibidwal sa kanilang trabaho sa Barangay Calautit, Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Kinilala ang mga biktima bilang sina alyas “Rick”, 37 taong gulang mula sa Barangay Guimod Bantay at alyas “Makmak”, 39 taong gulang mula sa Barangay Ayusan Norte, Vigan.

Sa imbestigasyon ng Sto. Domingo Municipal Police Station, ang dalawang biktima, kasama ang iba pa, ay nagpapahinga sa kanilang trabaho sa paggawa ng waterways nang biglang mahawakan ng isang biktima ang live wire na sanhi ng kanilang pagka-kuryente.

Dahil sa mga tinamong sugat, agad na dinala ang mga ito sa Ilocos Sur District Hospital – Magsingal pero pumanaw ang isang biktima habang ginagamot at nasa mabuting nang kalagayan ang isa pa.

Facebook Comments