DALAWANG INSIDENTE NG PAGPAPAKAMATAY, NAITALA SA PANGASINAN

Muli na naman nakapagtala ng mga insidente ng pagpapakamatay ang lalawigan ng Pangasinan.
Sa bayan ng Sison, isang trenta’y-singko anyos na nakilalang si Choudy Lee Bautista ang nakitang nakabigti sa kanilang barracks pasado alas-diyes ng umaga.
Hindi pa malinaw ngayon ang dahilan ng pagpapakamatay ng nasabing biktima.

Sa bayan ng Agno ay isang ginang din ang sinasabing nagpatiwakal sa loob ng kanilang bahay.
Ang biktima na nakilalang si Rowena Carreon ay nakita ng kanyang asawa na nakabigti na pagkauwi nito galing sa kanilang fishcage upang magpakain ng Bangus.
Naiwan umanong mag isa sa bahay ang biktima at hindi inakala ng asawa nito na magagawa nito kitilin ang sariling buhay.
Wala naman nakitang senyales ng foul play sa nasabing mga insidente ng pagpapakamatay. |ifmnews
Facebook Comments