Dalawang insidente ng sunog, sumalubong ngayong umaga sa lungsod ng Maynila

Dalawang magkasunod na sunog ang naganap sa lungsod ng Maynila.

Unang naganap ang sunog sa mismong compound ng San Miguel Corporation sa Delpan, Tondo.

Nagsimula ang sunog ng alas-6:00 ng umaga kung saan inabot ito ng unang alarma saka idineklarang fire out ng alas-7:51 ng umaga.


Sunod na naganap ang sunog sa may bahagi ng Kalimbas Street kanto ng Bambang sa Sta. Cruz, Maynila.

Alas-6:31 ng magsimula ang sunog saka itinaas ng ikalawang alsrma makalipas ang pitong minuto.

Idineklara naman fire under control ang sunog sa Bambang ng alas-7:08 ng umaga.

Hindi pa naman mabatid kung anong pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng ari-arian ang napinsala habang inaalam na rin kung ilang bahay ang nadamay.

Facebook Comments