Dalawang IRR sa itinatag na Department of Migrant Workers walang problema ayon sa POEA

Walang nakikitang masamang epekto si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia kung dalawa ang umiiral na implementing rules and regulations para sa itinatag na Department of Migrant Workers (DMW).

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Olalia na wala naman kasing masyadong pinagkaiba ang 2 bersyon ng Internal rate of return (IRR).

Ayon kay Olalia, kabilang sa mandato ng DMW ay ilapit ang serbisyo sa mga Overseas Filipino Worker (OFW), magpatupad ng mga programa para sa kanilang kapakanan at proteksyon ng kanilang mga karapatan.


Sa ilalim din ng bagong departamento, dadalhin na sa regional at provincial offices ang mga pangunahing serbisyo para sa mga OFWs upang hindi na sila kailangan pang pumunta sa central office ng POEA at iba pang attached agencies dito sa Maynila para lamang maglakad ng mga dokumento at papeles.

Facebook Comments