DALAWANG ISLAND BARANGAY SA DAGUPAN CITY NAKA LOCKDOWN

DAGUPAN CITY – Dahil sa biglang pag-taas ng COVID-19 cases sa lungsod mas lalong nag-higpit ang mga otoridad sa pagpapatupad ng IATF-EID protocols and guidelines ngayong GCQ. Nitong nakaraang araw nga ay isinailalim sa lockdown ang dalawang island barangay ng Dagupan City kung saan nakapagtala ng COVID-19 cases.

Ayon kay Police Colonel Abubacar Mangelen Jr, nakatanggap ang kanilang opisina ng kautusan mula sa alkalde ng lungsod para sa pagpapatupad ng nasabing lockdown sa Carael at Calmay. Nakapagtala kasi ng nasa tatlong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Carael at isa naman sa Calmay.

Ang mga nasabing pasyente ay kabilang sa mga front-liners na nag-positibo sa COVID-19 na mga pawang asymptomatic. Kahapon din isinailalim din sa risk based COVID -19 testing ang mga empleyado mula sa Waste Management Division at Market Division na bahagi ng programa ng lokal na pamahalaan laban sa COVID 19.


Facebook Comments