Dalawang Israeli at Amerikano na nasa likod umano ng cryptocurrency scam, arestado

Natimbog ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang limang indibidwal kabilang ang dalawang Israeli at isang Amerikano na sangkot umano sa cryptocurrency scam.

Isinagawa ang entrapment operation sa Kapitolyo sa Pasig City kagabi.

Kinilala ni ACG Spokesperson Capt. Michelle Sabino ang mga naaresto na sina Shay Semo alyas Shai at Chen Keren alyas Novick/Chen Benjamin, kapwa Israeli at Amerikanong si Aron Dermer alyas Aaron/Shoes na pawang mga may-ari ng ni-raid na establisyimento.


Nadakip din ang dalawang Pilipinang computer agents na sina Marie Mizukami at Krizzia Garcia.

Ang mga suspek ay huli sa aktong nagsasagawa ng online fraud habang ka-chat ang mga biktima sa computer.

Ang mga suspek ay kakasuhan ng computer-related fraud sa ilalim ng R.A. No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Facebook Comments