DALAWANG KABATAAN, HINANGAAN SA PAGSASAULI NG NAWALANG PITAKA SA BINMALEY

Isang pitaka na naglalaman ng mga mahahalagang identification card ang natagpuan sa tapat ng Binmaley North Elementary School.

Bigo itong mahanap ng may-ari na si Jonathan Apolonio De Guzman ngunit agad din naibalik ng magkaibigang John Aaron Santos Catajan at Anthony Catalan at agad nilang isinuko sa tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Pinasalamatan naman ni De Guzman ang dalawa dahil sa kanilang katapatan at malasakit.

Pinuri naman ng lokal na pamahalaan sina John Aaron at Anthony bilang huwaran ng pagiging responsable at tapat na mamamayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments