Arestado ang dalawa sa itinuturing na most wanted person – municipal level sa Pangasinan sa magkahiwalay na isinagawang operasyon ng pulisya.
Naaresto sa pamamagitan ng warrant of arrest ang isang 39 anyos na lalaki sa San Manuel at itinuturing Top 2 MWP – Municipal level kung saan nahaharap sa kasong Attempted Rape na may piyansang nagkakahalaga ng 200,000 pesos.
Nasa kustodiya na ng San Manuel MPS ang akusado.
Arestado rin ang Top 3 MWP – Municipal level na isang 34 anyos na online seller sa San Fabian sa kasong Sec. 3 (F) of R.A. 11765 o Financial Products and Services Consumer Protection Act in relation to Sec. 11.
Nahaharap din ito sa kasong Estafa na may piyansang nasa 30,000 pesos.
Nasa kustodiya na ng San Fabian PS ang akusado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








