Dalawang kadete ng PMA mabalasik class of 2019, hindi pinag-martsa

 

Hindi nakapag-martsa ngayong araw ang dalawang lalaking kadete ng Philippine Military Academy (PMA) mandirigma ng bayan, iaalay ang sarili, lakas at tapang, para sa kapayapaan (Mabalasik) class of 2019.

 

Ayon kay PMA spokesman Major Reynan Afan, inalis sa orihinal na listahan ng magsisipagtapos ang dalawang hindi pinangalanang kadete dahil sa paglabag sa regulasyon ng akademya.

 

Sa inilabas na desisyon ng academic board,  sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na isang taong suspendido ang isa sa mga kadete.


 

Habang pagsisilbihan ng isa pang kadete ng ilang buwan ang nagawa nitong paglabag.

 

Kaya mula sa orihinal na 263,  261 ang nag-martsa ngayong araw.

 

Babae ang mabalasik class valedictorian ngayong taon sa katauhan ni Cadet First Class Dionne Mae Umalla mula Allilem, Ilocos Sur.

 

Samantala, 164 kadete ang papasok sa Philippine Army, 63 sa Philippine Air Force at 66 sa Philippine Navy.

Facebook Comments